DSWD, nagbabala sa pekeng cash aid program sa mga graduating students

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa kumakalat na cash assistance program na nangangako ng P5,000 sa lahat ng graduating students.

Ayon sa DSWD, wala silang programa na nagbibigay ng limang libong piso cash assistance para sa lahat ng mga estudyante na magtatapos ngayong taon.

Kailanman ay hindi rin sila humingi ng personal na impormasyon dahil labag ito sa Data Privacy Act of 2012.

Hinimok naman ng DSWD ang publiko na sumangguni lamang sa opisyal na verified social media accounts ng departamento para sa mga lehitimong programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *