Duterte, walang ieendorsong kandidato sa pagka-Pangulo

Muling inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang ieendorsong kandidato sa pagkapangulo ngayong eleksyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na wala siyang kandidato sa pagkapresidente ngayon hanggang Disyembre.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Kaugnay nito, hiniling din aniya sa kanyang mga cabinet members na maging neutral at huwag na ring magendorso ng kandidato.

Kung maaari aniya ay sarilinin na lamang ng kanyang mga gabinete ang mga napupusuan na iboto ngayong halalan at huwag na itong isapubliko.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na may sinusuportahan at naiendorso na rin siyang kandidato sa pagkaSenador at sa mga lokal na posisyon.(CLAY MARQUEZ)
#