Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga local government units na siguraduhing nakalatag ang mga hakbang para masigurong makaboboto pa rin ang mga botanteng magpapamalas ng sintomas pagdating nito sa mga polling precints.
Sa taped Talk to the People, sinabi ng Kalihim na nag-isyu na sila ng order sa mga LGUs para i-activate ang mga Barangay Health Emergency Response Teams at makipag-coordinate na sa mga malalapit na ospital.
Sa ganitong paraan ay kaagad na makareresponde ang mga personnel nito sa oras na mayroong mga medical emergencies, ‘o ‘di kaya nama’y mga makitaan ng COVID-19 symptoms.

Pinasisiguro rin ni Año na mayroong mga nakalatag na IPPs o ang isolation polling precints nang sa gayon ay makaboto pa rin ang ating mga kababayan kahit na mayroon itong nararamdaman.
Sa huli, nagpaalala ang Kalihim sa publiko na ‘wag samantalahin ang serbisyong medikal at mga ilalatag nilang medical help desks.
Binalaan din nito ang mga lokal na kandidato na ‘wag gagamitin sa pamumulitika at last-minute na pangangampanya ang mga medical services na ito.
#