Pinakamababang daily tally ng COVID-19 ngayong taon, naitala sa 246

Nagtala ang Pilipinas ng pinakamababang daily COVID-19 case ngayong taon sa 246 new infections, dahilan para tumaas pa ang nationwide total cases sa 3,677,616.

Kaugnay nito, mayroon pang 41,145 na active case count, batay sa bagong datos na inilathala ng Department of Health sa kanilang website.

Matatandaan na ang huling pinakamababang daily COVID-19 tally na naiulat ngayong 2022 ay 290 noong March 22.

Samantala, nangunguna parin ang National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa 1,759, sinundan ng Region 4-A sa 694 at Region 6 sa 539.

Sa gitna nito, may 3,577,433 naman na kabuoang pasyente na nakarekober mula sa viral disease, habang ang total fatalities ay sumampa pa sa 59,038. //MHEL PACIA-TRINIDAD