Duterte, inaprubahan na ang pondo para sa rehiring ng 15,000 contact tracers

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa rehiring ng 15,000 contact tracers na tutulong sa COVID-19 response ng gobyerno, hanggang sa katapusan ng 2021.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año at Senator Bong Go, ang approval ng pondo ay makakatulong sa mga local government units (LGUs) sa pag-manage sa kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang lokalidad.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Labis naman ang pasasalamat ni Año kay Pangulong Duterte sa karagdagang pondo para magpatuloy ang serbisyo ng 15,000 contact tracers.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa hiwalay naman na pahayag, ibinunyag ni Go na ang kontrata ng karagdagang contact tracers ay nagsimula noong August 2.

Dagdag nito, ang paghire sa mga bagong contact tracers ay magkakahalaga ng P1.7 billion. // MHEL PACIA-TRINIDAD