Pangilinan sa susunod na admin: Food security paigtingin, sa harap ng nakaambang krisis

Iminungkahi ni outgoing Senator Francis “Kiko” Pangilinan na pagtuonan ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas, lalo na sa harap ng potensyal na food crisis na dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Giit ni Pangilinan, mahalaga ang imprastuktura, energy at power, transportation, telecommunications at iba pa, pero mas mahirap mamuhay nang walang pagkain.

Para sa senador, dapat iwasan ng bansa ang subsistence farming kung saan halos lahat kinikita ng crops o livestock farmers ay ginagamit lang para i-maintain ang magsasaka, pero wala namang extra.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Mungkahi ng mambabatas, na dapat isulong sa agrikultura ang farm enterprise management at development upang makita ng mga magsasaka ang kanilang kita, capacity at productivity increase.

Maliban dito, hinimok rin ni Pangilinan ang gobyerno na taasan ang pondo ng Department of Agriculture (DA). //MHEL PACIA