Duque: Private hosp, accountable para sa pagpapalabas ng mga benepisyo sa frontliners

Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga private hospitals ang responsable para sa pagpapalabas ng mga benepisyo sa COVID-19 healthcare frontliners, matapos na pigain ng mga senador ang DOH dahil sa delayed payments.

Ayon kay Duque, may proseso ang mga ospital, kung saan ang kanilang human resource office ang tutukoy sa mga legitimate recipients ng naturang benepisyo.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Batay sa datos ng DOH, naglabas na ang kanilang ahensya ng mahigit P7.1 billion na benepisyo mula September 15, 2020 hanggang June 30 nitong taon sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Giit naman ni DOH Assistant Secretary Maylene Beltran, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para lang ma-disburse at makarating sa healthcare worker ang karampatang SRA na dapat nilang matanggap.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Mababatid na sa naturang pagdinig, nagsisihan ang DOH at ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y time constraints na nagdulot sa delayed disbursement ng allowances na ipinangako sa mga healthcare workers. //MHEL PACIA-TRINIDAD