Comelec, mas gusto na vaccinated vs COVID na mga guro ang magsilbi sa 2022 poll

Mas gusto ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga guro na magsisilbi sa 2022 elections ay vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nakikipag-ugnayan ngayon ang Comelec sa Department of Education kaugnay sa mga guro na magsisilbi bilang BEIs, dahil ito naman umano ay may budget considerations.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Kahapon nang pagbotohan ng poll body ang pagpapalawig sa voter registration hours, pero hindi inaprubahan ang mungkahing i-extend ang deadline na October 31, 2021.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Dahil dito, ang registration hours ay mula Lunes hanggang Biyernes na magtatagal hanggang alas 7:00 ng gabi at Sabado hanggang alas 5:00 ng hapon. // MHEL PACIA-TRINIDAD