Kinuwestiyon ng mga senador ang pagbili ng overpriced face masks at face shields ng Department of Health noong nakaraang taon.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, napuna nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Imee Marcos ang pagbili ng naturang items na nagkakahalaga ng P42.4 billion.
Ang purchasing ay ginawa ng Department of Budget and Management’s Procurement Service sa P27.72 per face mask at P120 per face shield.
Ayon kay Marcos, sa kabila na ang mga suplay nito ay limitado, nananatili paring overpriced ang naturang mga items.
Paliwanag naman ni DOH Procurement Service director Paul Guimbarda, walang suggested retail price na inaprubahan nang bilhin ang mga ito, kaya naghanap nalang umano sila ng “reasonable price.”
Pero pagpuna ni Drilon “very suspicious price” parin umano ang mga ito, dahil batay sa memorandum order na inilabas ng DOH na naglalaman ng SRP para sa naturang items ang face mask ay nasa P2 hanggang P4 per piece habang P26 hanggang P50 per piece naman ang face shield. // MHEL PACIA-TRINIDAD
