Duque, itinuro si dating Pang. Duterte na nag-utos na ilipat ang P47.6B pondo sa DBM

Ibinunyag ni dating Health Secretary Francisco Duque III na si dating pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa paglilipat ng P47.6 bilyon pondo ng Department of Health sa Procurement Service ng Department of Budget and Management para sa pagbili ng mga medical supplies sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Ayon kay Duque, isinapubliko ito ni Duterte sa isa sa kanilang lingguhang pagpupulong o talk to the people.

Mababatid na  ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban kay Duque at kay dating DBM Undersecretary Christopher Lao kaugnay ng naturang paglipat ng pondo.

Napatunayan din ng Ombudsman na guilty si Duque at Lao sa mga kasong administratibong grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the service.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *