Lalaki patay sa pamamaril habang kumakain

DEAD on the spot ang isang 27 anyos na lalaki matapos mabiktima ng pamamaril sa bahagi ng public market ng Barangay Bulalo sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte kahapon ng umaga.


Kinilala ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang biktima na si Suharto Maminting Sadin, na residente ng Barangay Katuli.


Kumakain umano ang biktima pasado alasais ng umaga kahapon nang dumating ang isang lalaki at walang awang pinaputukan ito ng dipa mabatid na uri ng baril.


Matapos na maisagawa ang krimen ay naglakad na parang walang nangyari ang suspek habang ang biktima ay iniwang nakahandusay at naliligo sa kanyang sariling dugo.


Bago ang pamamaril kahapon, isa ding pamamaril ang naitala sa bayan kung saan nasawi din ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *