“Dugo Para sa KaBrigada Year 5” ng BNFM Kor, nakapag-ipon ng 150, 300 CC ng dugo

KORONADAL CITY – PUMALO sa 334 na bags o 150, 300 CC ng dugo ang naipon na dugo ng Brigada News FM Koronadal kaugnay sa isinagawang “Dugo Para sa KaBrigada Year 5” sa Mall of Ace Centerpoint.

Ito ay may temang “Dugtong Buhay, Dugo I-Alay. Pinangunahan naman ng Philippine Red Cross South Cotabato Chapter ang adkitibidad kung saan naging matagumpay ang programa.

Nasa 334 naman ang succeful blood donors, 28 ang deferred, at 10 ang unsuccessful. Hindi naman nagdalawang isip ang mga taong ito na makibahagi sa layuning makatulong sa ibang mga tao na nangangailangan.

Kabilang sa mga nakibahagi ay ang mga nasa sektor ng edukasyon, transport, business at maraming iba pa. Kaugnay nito, Brigada News FM Koronadal naman sa buong mga Brigada FM Stations ang naka-ipon ng pinakamaraming dugo.

Sa pamamagitan nito, patunay lamang na marami ang nananalig at tumatangkilik sa programa at mga aktibidad na isinasagawa ng Brigada. Nangin mapayapa naman ang aktibidad sa tulong ng ilang mga volunteers, guards at maging puwersa ng Brigada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *