DTI, walang nakikita na SRP adjustment sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike at gyera sa Ukraine

Hindi nakikita ng Department of Trade and Industry na magkakaroon ng adjustment sa suggested retail prices ng iba’t-ibang bilihin sa kabila ng pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo at sa nagpapatuloy na gyera sa Ukraine.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nasa isang manufacturer pa lang ang nagpapasa ng apela para sa price increase.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Ipinaalala naman ni Castelo sa publiko na hindi mararamdaman kaagad sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin ang mga price hike sa langis at tensyon sa Ukraine.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Ipinunto niya na posibleng abutin pa ng tatlong buwan bago makita ang anuman pagbabago sa mga presyo.

Ipinaliwanag ni Castelo na inaasahang tatagal kasi ng 30 hanggang 90 araw ang inventory ng manufactured products.