CAAP, iniimbestigahan na kung sino ang nasa likod ng bomb joke sa Bicol International Airport

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kung sino ang nasa likod ng bomb joke sa isang Cebu Pacific flight sa Bicol International Airport noong Lunes.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, noong Martes ay nagkaroon naman ng shooting incident sa labas ng nabanggit na paliparan kaya naka hightened alert na sila bilang bilang dagdag pag-iingat.

Nag augment na rin sila ng mga tauhan doon para mapabilis ang proseso ng pagpasok ng mga pasahero. Under control at wala naman daw problema sa sitwasyon sa Bicol Airport.

Samantala, sinabi ni Apolonio na iniimbestigahan na rin nila kung sino ang nag-post sa social media na “Pilipinas kong Mahal” ng bantang pagpapasabog sa mga paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *