DTI Sorsogon tututukan ang 10% na paglilimita sa presyo ng mga Noche Buena products

SORSOGON CITY – Umapela ang Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa mga manufacturer ng mga produktong panghanda sa Pasko na limitahan sa 10 porsiyento ang itataas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Sa panayam ng Brigada News kay DTI Sorsogon Consumer Protection Division Head Teodora Laguna, sinabi nito na base sa direktiba ng Central Office, unti-unti nang nararamdaman ang pagtaas ng presyo ng mga ham, mayonnaise at pasta at aniya ang mga ito ay hindi kasama sa kanilang ‘price regulation na dapat ay minimal lang ang pagtaas.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nauna nang inihayag ng DTI Central Office na kung P5 – P7 lang ang itataas ay maaaring makaya pa ng mga mamimili ngunit kapag mas mataas pa dito ay mahihirapan nang makabili ang mga consumers.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito na hindi din dapat sabay-sabay na nagtataas ng presyo ang mga manufacturers dahil ang mga consumer ay naghahanap pa rin ng mga produkto kung saan sila ay makakatipid.

Inaasahan na sa susunod na buwan ay maglalabas na ang DTI ng Suggested Retail Price o SRP ng mga Noche Buena goods.