Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi lahat ng variations ng bigas ay sakop ng Executive Order No. 39 na nagtatakda ng presyo o price cap sa naturang produkto.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, ang price cap ay itinakda lamang para sa regular milled rice na P41; habang P45 naman sa well-milled rice.
Dagdag pa ni Pascual, hindi nagpatupad ng price freeze ang pamahalaan para sa mga bigas; sa halip ay itinakda lamang nito kung hanggang saan maaaring umabot ang presyo ng regular at well-milled rice.
Layunin aniya ng price ceiling na mabigyan ng proteksyon ang mga konsyumer laban sa abusadong negosyante at rice traders.