CAMARINES NORTE – Hindi pa rin COVID-19 free ang lalawigan ng Camarines Norte makaraang makapagtala ng tatlong aktibong kaso ng sakit ngayong linggo.
Batay sa datos ng Provincial Health Office as of August 29, 2023 mayroong aktibong kaso ng COVID-19 sa Basud, Jose Panganiban at Vinzons.
Dahil dito sumampa na sa kabuuang 4, 936 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa lalawigan simula noong 2020.
Sa bilang na ito 298 ang naitala simula Enero hanggang Agosto.
Umaabot naman sa 296 ang bilang ng mga nasawi at 20 dito ay mula Enero hanggang Agosto.
Nasa 4, 637 o 93. 94 %naman ang naka rekober sa sakit
Ito ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang kampanya ng PHO na magpabakuna. Bagamat hindi na itinuturing na isang public health emergency ang COVID-19 ay nanatili pa rin umano itong banta sa kalusugan lalo na sa vulnerable population tulad ng senior citizen at mayroong comorbidities.
