Christmas decor sa mga classroom, papayagan ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na pahihintulutan pa rin nila ang paglalagay ng mga Christmas decorations sa mga pampublikong paaralan.

Ito’y sa kabila ng ‘no decoration policy’ na unang ibinaba ng Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Ayon kay DepEd Spokesperson at Undersecretary Michael Wesley Poa, pansamantala lamang ang paglalagay ng Christmas decoration kaya’t walang nakikitang problema ang ahensya kung maglalagay ng mga palamuti sa mga silid-aralan.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Dagdag pa ni Poa, maaring mag-decorate basta gawing simple lamang ang dekorasyon at tanggalin agad pagkatapos ng Pasko.