Tiniyak ngayon ng Department of Trade and Industry na nakabantay sila sa galaw sa presyo ng mga bilihin sa gitna ng tuloy-tuloy na oil-price hike.

Ayon kay DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo ito ay dahil sa posibleng impact ng presyo ng gasolina sa presyo naman ng mga pangunahing bilihin.
Sa ngayon sinabi ni Castelo nawala pa silang natatanggap na request ng price increase alinmang mga produkto.
Susubukan naman umano ng DTI na hindi pagalawin ang presyo ng mga noche buena items ngayong nalalapit na ang holiday season.