BFAR binalaan ang mga mangingisda sa pagbagsak ng debris mula sa rocket launch ng South Korea

Pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisda sa karagatan bahagi ng Sta. Ana, Cagayan at Tandag, Surigao Del Sur sa pagbagsak ng debris mula sa rocket launch ng South Korea.

Sa advisory na inilabas ng BFAR, ang nabanggit na mga lugar umano ang drop zones ng isinagawang rocket launch mula October 22 hangang 28.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sinabi ng BFAR na batay sa report ng Philippine Space Agency (PhilSA), maaring magdulot ng pinsala ang rocket debris sa mga mababagsakan nitong bangka, eroplano at iba pang uri ng sasakyan.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

May posibilidad din umanong maanod ang mga debris sa mga dalampasigan sa mga susunod na araw.

Nabatid mula sa PhilSA na isasagawa ng Korea Aerospace Research Institute ang pagpapalipad ng kanilang space rocket na “Nuri” ngayong araw October 21, subalit posible itong ma-delay sa pagitan ng October 22 at 28 depende sa magiging kondisyon ng panahon.