DTI – naglabas na ng guidelines para sa presyo ng mga school supplies

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa mga school items kasabay ng nalalapit na pasisimula muli ng mga klase.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng DTI na ang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” ay nagsisilbi bilang price guide para sa mga konsyumer sa pagbili ng mga school supplies.

Nakasaad dito ang item at ang presyo nito, gaya ng mga sumusunod:

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Notebook P11.80 – P52.00

Grades 1-4 pad paper P9.50 – P61.00

Intermediate pad paper P13.80 – P48.75

Pencils P11.00 – P33.00

Ballpens P3.00 – P33.00

Isang kahon ng crayons na may walong colors P12.00 (regular) – P65.00 (jumbo)

Crayon pack (12-colors) P32.00

Crayon pack (16-colors) P24.00 – P83.00

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Crayon pack (24-colors) P34.00 – P114.00.

Mga pantasa P15.00 – P69.00

Rulers P16.00 – P29.00

Erasers P4.50 to P20.00.

Abiso ngayon ng DTI, laging i-check ang label ng mga school items.

Hinimok na rin ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang publiko na bumili ng school supplies mula sa mga kumpaya na nagko-comply sa labeling requirements, at gamitin ang Gabay sa kanilang pamimili.