DTI: hindi kailangan ang video ng unboxing para i-refund ang sirang item

Nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Amanda Nograles na walang sinasabi sa batas na kailangan pang kumuha ng video ng isang buyer bago i-refund ng seller ang kanyang biniling item online.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Nograles, sinabi nitong kapag ang isang bagay na binili ay depektibo – maaari itong ipa-repair, o kaya naman ay papalitan o ipa-refund sa seller.

Paliwanag pa nito, para maka-request ng refund o replacement sa shop na binilhan ng item – hindi na kailangan pa ng ebidensya na video habang nag-a-unbox ng biniling produkto.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa huli, iginiit ni Nograles, wala nang ebidensya pang kailangan gawin ang mga buyer dahil tanging ang produktong may damage ang magsisilbing patunay.