US, iginiit na pananagutin ng buong mundo ang Russia

Kinondena ni US President Joe Biden ang naging hakbang ng Russia na full-scale invasion sa Ukraine.

Ayon kay Biden, pananagutin ng buong mundo ang Russia sa mga idudulot nitong pinsala at pagkasawi ng mga tao.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Nanindigan naman ang Ukraine na gagawin nila ang lahat para ipaglaban ang kanilang bansa.

Sa ngayon, idineklara na ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang ‘martial law’ sa buong Ukraine.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Samantala, sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng dalawang bansa, sinabi ng Ukraine military na nasa limang Russian planes at Russian helicopter ang kanilang na-shot down sa bahagi ng Luhansk region.