DSWD, tiniyak ang mas matibay na programa para sa mga Pilipino

Winelcome ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakabagong resulta ng OCTA Research “Tugon ng Masa” survey na nagpapakita ng pagbaba ng self-rated poverty at kagutuman sa unang quarter ng taon.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at spokesperson Irene Dumlao, ipinakikita ng naturang resulta na nasa tamang track ang pamahalaan sa pagbibigay ng whole-of-nation at whole-of-government approach para malabanan ang usapin ng kahirapan at gutom.

Pagtitiyak naman ni Dumlao na ipagpapatuloy ng ahensya ang mas matibay na social protection programs upang maipagpatuloy rin ang pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Mababatid na lumabas sa pag-aaral na 42% ng mga Pilipino ang nagsasabing mahirap sila.

Bahagyang mas mababa ito mula sa 45% sa huling quarter ng 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *