DSWD Sec. Erwin Tulfo, kinumpirmang lilinisin ang listahan ng 4Ps beneficiaries

Kinumpirma ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr na linisin ang listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps.

Ayon kay Tulfo, sa mga susunod na linggo ay maglalabas sila ng amnesty para sa tatlumpung araw para sa mga patuloy na tumatanggap ng ayuda ng 4Ps kahit dapat ay hindi na.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Inihayag ng kalihim na marami ang nasa waiting list ng 4Ps kaya naman agad niyang ipapa-check sa Lunes at kung may sobrang pondo ay isasama o idadagdag ang mga ito sa listahan

Sinabi ni Tulfo na isa sa pag-aaralan din ng DSWD ay kung maaaring i-lump sum o ibigay nang isang bagsakan ang ayuda sa mga nasa 4Ps.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Tiniyak din nito na posibleng abutin ng lima hanggang anim na araw bago mai-deposito sa account ng mga 4Ps beneficiaries na mayroon nang ATM cards.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#