Umapela si Senador JV Ejercito na i-konsidera ang ‘humanitarian reasons’ pagdating sa pagiimbestiga sa mga bank accounts ng kanyang ama na si dating pangulong Erap Estrada.
Ginawa ni Ejercito ang apela matapos payagan ng Korte Suprema ang Office of the Ombudsman na ipa-subpoena ang mga bank accounts ng dating pangulo at ang ‘di umano’y mistress nito.
Sa ilalim kasi ng isang resolusyon mula sa Kataastaasang Hukuman, binasura nito ang apela ng noo’y Allied Banking Corporation na ngayo’y Philippine National Bank na layong kuwestiyonin ang kapangyarihan ng Ombudsman na imbestigahan ang mga bank acocunts nina Estrada.
Giit ngayon ni Ejercito, hindi na raw malakas ang kanyang ama na ngayon ay edad otsenta’y-singko na.
Wrong timing din aniya ang ginawang order ng SC lalo na sa kasalukuyang sitwasyong pangkalusugan ni Estrada.
Naniniwala ang Senador na ang mga kaso laban sa dating pangulo ay pamumulitika na at tila ‘power grab’ na lamang.
Lubayan na raw sana si Erap lalo na’t nahihirapan na ito.
#