Simbahang Katolika, tiniyak ang suporta kay President Bongbong Marcos

Tiniyak ng simbahan katolika ang suporta at panalangin para sa tagumpay ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang kalatas hiniling ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta sa pangulo na huwag hayaang madismaya ang mayorya ng mga Pilipino na bumoto dito.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Bagamat kumpiyansa ang simbahan na tutuparin ni Presidente Marcos ang mga pangako noong kampanya, hinamon naman nito na bigyang prayoridad ang kasalukuyang problema ng mga Filipino.

Para naman kay Bishop Jose Colin Bagaforo, Caritas Philippines national director, dapat unahin ni Marcos na pagtuonan ng pansin ang kahirapan sa bansa.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Binigyan diin ni Bagaforo ang Philippine Statistics Authority data na nagpapakita sa poverty incidence sa bansa na tumaas sa 23.7 percent sa first semester ng 2021, na katumbas sa 26.1 million Filipinos.
#