DSWD nananawagan ng volunteers para mag re-pack ng mga family food packs

Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng mga volunteer para mag re-pack ng mga family food packs para sa mga apektado ng Bagyong Carina at hanging Habagat.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa kanilang facebook page, inaanyayahan ng DSWD ang mga indibidwal at grupo na interesadong maging volunteer.

Ito raw ay para matiyak na may sapat na food packs para sa mga residenteng apektado ng sama ng panahon.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa mga nais maging volunteer, maaaring kontakin si Shara Lee ng DSWD-National Resource Operations Center sa kanyang mobile number na 09260612646 at email address, [email protected] para sa scheduling.