Hindi natinag ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na puntahan at i-rescue ang mga biktima ng halos lubog-taong baha dulot ng Bagyong Carina at ng Habagat.
Ito ay kahit pa umabot na sa 7 feet ang pinakamalalim na bahagi ng baha sa Damka, Sta. Mesa.
Samantala, nag-ikot-ikot na rin sa ilang areas sa Maynila si Mayor Honey Lacuna upang kumustahin ang lagay ng mga taga-Maynila.
Nagtungo rin ito sa isang evacuation center para makita ang lagay ng mga bakwit na pansamantalang nananatili roon.