Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P85 million worth of aid para sa mga indibidwal na naapektuhan ng malawakang pagbaha dahil sa shear line at LPA.
Ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez, nakapaglabas na ang ahensya ng halagang P51 million para sa financial assitance ng higit 10,000 katao at P34 million na halaga naman para sa food at non-food items.
Dagdag ni Lopez, naibigay na ang naturang mga tulong sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, the Davao Region, at Caraga.
Samantala, mayroon pa umanong P1.2 billion na standby funds ang ahensya na maaari ring gamitin para sa mga nangangailangan pa ng tulong.
