Inoperahan dahil sa blunt chest trauma at orthopedic injuries ang aktor na si Jeremy Renner matapos makaranas ng traumatic injury.
Ayon sa report ay nag-aalis siya ng makapal na snow nang bigla na lang siyang nasangkot sa “weather-related accident”.

Dinala sa intensive care unit si Renner para sumailalim sa operasyon.
Hindi pa malinaw ang buong detalye sa nangyaring aksidente at kung saan ito nangyari.
May nagsabi na may property si Jeremy sa Mt. Rose-Ski Tahoe, na ‘di kalayuan sa Reno, Nevada, na kabilang sa mga lugar na matinding tinamaan ng winter storm.//CA