Presyo ng sibuyas, bumaba na sa P400/kilo sa pamilihan sa QC

Bumaba na sa halagang P400 hanggang P700 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas.

Sa monitoring ng Department of Agriculture, napag-alaman na sa Mega Q Mart sa Quezon City, P400 na ang bentahan ng naturang produkto, pero sadyang matumal pa rin ang pagbili ng mga konsyumer.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa ibang mga pwesto naman ng gulay aabot pa rin sa presyong P600 kada kilo ang pulang sibuyas.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, walang naitalang paggalaw sa presyo ng ibang produkto gaya ng gulay, karne at asukal ngayong taon.