Pamilya ni Roselle Bandojo opisyal nang kinumpirma ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay; PNP may person of interest na

NAGA CITY – Opisyal nang kinumpirma ng pamilya ni Roselle Bandojo ang pagkakakilalan ng bangkay na natagpuan kahapon sa Brgy. Liboton.

Kaninang umaga, Hulyo 29, 2023 pumunta ang ama at  pamilya sa Police Station 3 ng Naga City Police  Office para sa impormasyon. Mababatid na natagpuan ang bangkay na nasa state of decomposition na sa Barangay Liboton, sa may abandonadong bahay ilang metro ang layo sa bahay nito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, may persons of interest na ang NCPO sa pagpatay sa Senior High School Student na ilang araw nang nawawala.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSMS Toby Bongon, Spokesperson ng NCPO.  Iniimbestigahan na lahat ng nasa paligid, tinitinggan lahat ng anggulo.

Binigyan diin din nitong tumugon ang Police Station 3, may mga kumukuwesyon kasi sa naging aksyon sa insidente.  Isolated ang kaso ayon pa sa NCPO.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Hustisya ang sigaw ng pamilya, kaanak, mga kaklase, kaibigan o kahit pa ng ilang grupo na nagmamalasakit sa mga kababaihan.

KAUGNAY NA BALITA: