Iminungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaroon ng identification cards (IDs) ng mga street dwellers upang maprotektahan ang mga ito laban sa ‘exploitation’.

Ayon sa pahayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi angkop na lugar ang lansangan para sa mga pamilya, lalo na sa mga kababaihan at kabataan na maaaring maging biktima ng pananamantala.
Ang naturang programa ay tinawag ng DSWD na “Oplan Pag-abot” kung saan bibigyan ng IDs ang mga street dwellers sa Metro Manila, at sasailalim din ang mga ito sa tinatawag na biometric registration.
Paglilinaw naman ni Gatchalian na hindi kabilang ang makukuha nilang ID sa listahan ng government IDs, ngunit unang hakbang na rin ito sa pagkakaroon nila ng regular identification cards.