Dumipensa ang Department of Social Welfare and Development sa naging hakbang nito na paghingi ng tulong sa mga kongresista para sa pamamhagi ng educaitonal assistance.
Pinawi ni DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez ang pangamba ng publiko na baka mapulitika ang payout ng AICS para sa mga indigent learners.
Sa panayam, sinabi ni Lopez na masyado na kasing marami ang mga nagpatala para mag-claim ng kanilang educational financial aid.
Mula kasi sa target nilang 400,000 na indigent learners – umabot na sa dalawang milyon ang mga nag-register online dahilan para isara na muna ang online applicaiton.
Paliwanag ni Lopez, hindi na sapat ang budget para ma-acommodate ang lahat ng mga claimants kaya naman hihingi na sila ng tulong mula sa pondo ng mga district representatives.
Sa ngayon, tiniyak ng DSWD official na sapat pa ang P500Million na pondong nalalabi para ma-acommodate ang nasa 100,000 to 200,000 na mga indigent learners.
#
