Inilabas ng Supreme Court ang listahan ng mga local testing centers o LTCs kung saan idaraos ang Bar Examinations para sa taong 2022.
Sa abiso na inilabas ng SC Public Information Office mula kay Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguiao, ang 2022 Bar Examinations Chair – itinakda ang 14 na mga venues kung saan idaraos ang Bar Exams.
Ito umano ay bilang bahagi ng kanilang pagre-regionalize ng naturang pagsusulit.
Sa Metro Manila, itatayo ang LTCs sa Northern Manila; Southern Manila; Pasay City; Quezon City; at Taguig City.
Mayroon namang tatlong iba pang LTCs sa Luzon kabilang na ang Baguio City, Benguet; Lipa City, Batangas; at Naga City; Camarines Sur.
Tig-tatlo ring LTCs ang itatatag sa Visayas at Mindanao – kabilang na ang Northern Cebu City; Soutern Cebu City; at Tacloban City; habang sa Mindanao naman – mayroong LTC sa Cagayan de Oro City; Davao City; at sa Zamboanga City.



Ipinaalala naman ng SC PIO na first come, first served bases ang pag-acommodate sa mga exam venues.
Para makapag-apply bilang bar candidate at makapili ng venue, magtungo lamang sa website na lis.judiciary.gov.ph/scp
#
