DSWD Bicol, patuloy ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa mga evacuation centers para sa mga kabataang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng DSWD Bicol ng iba’t ibang mga aktibidad para sa mga kabataang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa ahensya, nagpapatuloy ang kanilang psychosocial interventions at iba pang mga aktibidad katuwang ang mga government at non-government organizations para sa kapakanan ng mga kabataang evacuees.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ilan sa kanilang mga aktibidad ay naglalayong palakasin ang emosyonal na aspeto ng mga kabataang evacuees.

Maliban dito, mayroon diin silang mga programa para sa edukasyon, pamamahagi ng mga laruan at school supplies, mga laro, mga workshop at training, at marami pang aktibidad.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon sa ahensya, mahalagang hakbang ang mga ito upang mas matugunan pa ang mga pangangailangan ng mga kabataang evacuees na labis na naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon ng bulkan.