LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) Bicol na wala nang extension ang SIM card registration pagkatapos ng deadline nito sa darating na Hulyo 25.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NTC Bicol Regional Director Engr. Samuel Sabile, sinabi nito na ito ang inihayag sa kanila ni National Telecommunications Commissioner Ella Lopez.
Pinal na umano ito ayon sa komsiyoner na hindi na ie-extend pa ang pagrerehistro kung kaya’t habang hindi pa dumarating ang deadline, magparehistro.
Ikokonsidera na kasing “deactivated” ang mga SIM subscribers kung sila ay hindi nakapagparehistro bago pa man sumapit ang Hulyo 25.
Ayon kay Sabile, wala na silang mga facilitated SIM card registration ngayon sa mga lugar, subalit nasa proseso na sila ng pangangampanya sa publiko na magparehistro na sapagkat kung hindi, hindi na rin nila magagamit ang SIM cards sa anumang transaksyon lalo na sa online financial applications.
Sa ngayon, umabot na aniya sa 100.2M subscribers ang nag-register ng kanilang SIM cards mula sa mga telecommunications providers, ngunit wala pa ito sa target nila na 100.10M.
Umaasa naman sila na bago sumapit ang deadline, lahat ng mga subscribers ay makapagparehistro.