DOH Bicol, ipinaalala ang pagsunod sa ‘BIDA’ solusyon plus upang maiwasan ang mga sakit sa mga evacuation centers sa Albay

LEGAZPI CITY – Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) Bicol ang pagsunod sa BIDA solusyon plus upang maiwasan ang mga sakit sa mga evacuation centers sa Albay.

Kaugnay ito ng inaasahan nilang posibleng pagkakaroon at pagkalat ng mga sakit sa mga pasilididad.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kabilang dito ay ang pagsusuot facemask, pagsasanitize at paghuhugas ng kamay, pagdidistansya ng isang metro at ang pagpapabakuna.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dagdag pa rito ay ang maayos na paghahanda ng pagkain upang masigurong malinis at hindi ito makontamina.

Sa ngayon, nagsasagawa naman ang ahensya ng disease surveillance at monitoring sa mga evacuation centers.