DSWD Bicol, nakahandang mamigay ng family food packs sa mga maapektuhang pamilya dulot ng sama ng panahon

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na patuloy pa rin ang pamimigay nila ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng patuloy na pag-ulan.

Ayon kay Marygizelle Mesa, Regional Information Officer ng nasabing tanggapan, umaabot sa mahigit isanlibong family food packs (FFPs) ang naipamahagi na sa mga naapektuhan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, nasa mahigit 100 pamilya o mahigit 500 mga indibidwal ang nasa loob ng evacuation centers habang limang pamilya o dalawampu’t dalawang mga indibidwal ang nasa labas.

Tinatayang mahigit walong libumpisong halaga ng tulong ang inilaan ng nasabing ahensya sa mga apektadong barangay kung saan binubuo ito ng nasa mahigit tatlumpung libong FFPs; mahigit limampung libong non-food items na naka-standby sa iba’t ibang bodega at isa pang P5M halaga ang standby fund.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Naka-preposition na rin ang mga FFPs at handa nang ipamahagi kapag hiniling para sa augmentation ng mga local government units (LGUs).