Palalawakin ng Department of Agriculture (DA) ang produksyon ng bansa sa durian, matapos makakuha si President Ferdinand Marcos Jr. ng fruit export deal sa China.
Ayon sa DA, ang Chinese companies kabilang na ang Dole (Shanghai) Fruits and Vegetables Trading Co., Ltd./Dole China, Prestige International Co., Ltd., Shanghai Goodfarmer Group, at ang Dashang Group ay bumili ng commitments na nagkakahalaga sa $260 million para ngayong 2023.
Dagdag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, na inaasahan nilang isa ay magiging major breakthrough na kailangang i-avail ng bansa, kasabay ng pagnanais na mapapanatili ang magandang relasyon sa China.
Samantala, inatasan ni Panganiban ang Regional Executive Directors (REDs) at ang Bureau of Plant Industry (BPI) na agad tukuyin ang mga potential areas para sa expansion at bumuo ng kaukulang ng kaukulang work at financial plans para ma-sustain ang durian export.
