74-anyos na magsasaka, patay matapos mabundol ng truck sa Calauag, Quezon

Patay ang isang 74-anyos na magsasaka matapos itong mabundol ng truck sa Barangay Viñas, Calauag, Quezon nitong Huwebes ng madaling araw, Hunyo 13.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nasilaw umano ang driver ng truck na si alyas “Dolfo”, 39-anyos, sa ilaw ng iba pang mga sasakyan mula sa opposite lane.

Nang mapansin nito ang biktima na naglalakad sa kalsada, agad itong nag-preno subalit dumulas ang sasakyan na naging dahilan ng pagsalpok nito sa biktima.

Samantala, nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival. Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *