Driver at backride patay matapos sumalpok sa isang SUV sa Casiguran; pamilya ng mga biktima, nakipag-areglo

SORSOGON CITY – Nagka-areglohan ang pamilya at driver ng isang SUV matapos na mangyari ang aksidente sa Barangay Trece Martires sa bayan ng Casiguran, Sorsogon na ikinamatay ng dalawang katao.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Doner Bonga Jr., 37-anyos, residente ng Barangay Amomonting sa Castilla at backride na menor de edad, parehong dead on the spot sa nasabing aksidente.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa report, tinatahak ng SUV na minamaneho ni PCpl Ryan Logronio Nepomuceno ang kahabaan ng Maharlika Highway galing Casiguran papuntang Sorsogon City nang bumungad papalapit sa kanya ang motorsiklo na minamaneho ni Bonga.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Hindi na umano nakaiwas ang SUV kaya sumalpok dito ang nasabing motorsiklo na ikinamatay ng mga biktima.