Drive-thru vehicle registration ng LTO, ilulunsad sa ibang mga bahagi ng Bicol region

LEGAZPI CITY – Nakaplanong ilunsad ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang drive-thru vehicle registration sa ibang mga bahagi ng Bicol region partikular na sa Sorsogon, Pamplona sa Camsur, at Daet.

Ayon kay LTO Bicol Regional Director Francisco Rances, Jr., sa oras na handa na ang mga opisina ng LTO sa nabanggit na mga lugar ay saka ito ilulunsad.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nauna nang ipinatupad ang drive-thru registration sa Camarines Sur kung saan ito ang pinakakauna-unahan sa buong rehiyon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Layunin nitong mapabilis ang pagrerehistro ng publiko mg kanilang mga behikulo, kung saan hindi na nila kinakailangang pumila. Samantala, wala pa namang nakatakdang plano kung magkakaroon ng drive-thru registration sa Albay sapagkat kinakailangan muna umanong mag-explore sa Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) at LTO sa lunsod ng Ligao.