Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte nasa 110

CAMARINES NORTE- Nananatiling mataas ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa gitna ng maluwag na restrictions

Batay sa datos ng Provincial Health Office hanggang nitong September 9, Biyernes, na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco nasa 110 ang bilang ng aktibong kaso sa ngayon.

Pinakamarami ang aktibong kaso sa Daet na may 30, sinusundan ito ng Jose Panganiban na may 24, Paracale 12, San Vicente 7 at Basud 6.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

May tig limang aktibong kaso naman ang Sta Elena at Vinzons, apat sa  Mercedes  at tig tatlo sa Capalonga, San Lorenzo Ruiz at Talisay.

Umaabot na sa 4, 342 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan simula noong 2020.

Noong 2020 nasa 149 ang naitalang mga kaso ng sakit at tumaas noong 2021 na may 3, 019 at sa loob halos ng siyam na buwan nitong 2022 ay nakapagtala ang lalawigan ng nasa 1, 174.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nasa 257 naman ang naitalang namatay o 5. 92 percent.

Pinakamarami ang namatay noong nakaraang taon na may 218 at mahigit tatlong buwan bago magtapos ang 2022 ay mayroong 30 nasawi.

Noong 2020 sa unang taon ng pandemya ay siyam ang naitalang binawian ng buhay.

Nasa 3, 975 naman o 91. 55  percent ang nakarekober sa sakit.