CAMARINES NORTE- Aabot sa 446, 885 na Cam Norteño ang rehistrado na sa Philippine Identification System o PhilSys hanggang nitong Agosto 31, 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 54, 450 indibidwal ang nadagdag sa bilang nang nakaraang taon.
Noong nakaraang buwan ay tinungo ng PSA ang iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan para magsagawa ng mobile registration at information dissemination patungkol sa Philippine Identification System at PhilSys Birth Registration Assistance project (PBRAP) kasabay ng ginawang Brigada Eskwela.
Kabilang sa mga eskwelahang tinungo ng PSA ay ang Tawig Elementary School sa Paracale, San Francisco National High School at St. Francis Parochial School sa Talisay, Rizal Elementary School , Leocadio Alejo Entienza High School, M. Hebrado Elementary School at Don Tomas Elementary School sa Sta Elena.
Sa bayan ng Daet ay tinungo ng PSA ang Mabini Colleges, Mantagbac Elementary School at Camarines Norte State College.
Sa bayan naman ng Basud ay ang P.R. Samonte Elementary School, Langa Elementary School at Pagsangahan Elementary School.
Tinungo rin ng PSA ang Jose Panganiban National High School, Esturas- Nabata Elementary School sa Capalonga, Fabrica High School sa San Vicente, Vinzons Pilot High School sa Vinzons at Labo Elementary School sa Labo.
Nakapagrehistro ang PSA ng mahigit 600 indibidwal sa mga eskwelahang nabanggit.
Tuloy- tuloy din ang mobile registration activity sa mga Barangay para mairehistro ang mga nasa hanay ng Indigenous People (IPs), Senior Citizens at PWDs.
Noong Agosto ay nairehistro sa Bagong Silang 1 ang nasa 11 IPs, 22 sa Exciban, Macogon 6, at 12 naman sa Daguit lahat sa bayan ng Labo.
Nasa 51 mula sa hanay ng IPs ang nairehistro sa naturang bayan kaya aabot na ngayon sa kabuuang 856 ang nakapagparehistro na sa PhilSys mula sa naturang hanay kasama na ang mga nakapagparehistro noong isang taon.
