Drayber na naaktuhang nagbebenta ng umano’y shabu, arestado

Arestado ang isang drayber matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy operation ng Bayombong Police Station, PDEU at PDEA sa Barangay Don Mariano Perez, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang naaresto na si alyas Del, 53-anyos, at natukoy na kabilang sa mga binabantayang Street Level Individual.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Naaktuhang nagbebenta ang naaresto ng mga pakete ng shabu sa isang undercover agent na nagresulta ng kaniyang pagtimbog.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nakumpiska rin sa kaniyang direktang pag-iingat ang mga drug paraphernalia tulad ng timbangan, boodle money at isang cellphone.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.