Ahente ng tulak ng droga, arestado sa Cauayan City

AHENTE NA TULAK NG DROGA ,ARESTADO SA CAUAYAN CITY Huli sa isinagawang operasyon kontra illegal na droga ang isang ahente sa siyudad ng Cauayan kahapon.

Kinilala ang dinakip sa alyas na Pito, nasa listahan bilang street level individual at residente ng Purok 1, Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela. Dinakip ito ng mga kasapi ng Cauayan Component City Police Station katuwang ang PDEA Region 2.

Nakuha sa operasyon ang isang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item); (1) piraso ng genuine Php1,000.00 Peso Bill( buy-bust money); Isang (1) unit ng puting keypad cellphone ; Isang (1) piraso ng ID (Philippine identification card) at isang unit ng asul na motorsiklo na walang plaka.

Isinagawa ang imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensiya sa lugar kung saan nahuli ang suspek sa presensiya ng mga kawani ng DOJ ,media at opisyal ng barangay.

Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa suspek na nasa pag iingat ng Cauayan Component City Police Station./// analiza

Enter

You sent

Open photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *