Ginisa sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes sa pagdinig ng Senate Commitee on Public Works tungkol sa baha at flood control projects sa bansa.
Ayon kay Senador Ramon Revilla Jr. sa halip na mapabuti ang problema sa baha, ito’y lumala pa ng lumala.
Giit naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, ‘drawing’ o hindi matuloy-tuloy ang proyekto ng mga ahensya sa pagtungon ng problema sa baha.
Samantala, paliwanag ni Bonoan na gumagalaw ‘naman’ ang DPWH projects sa Pilipinas katulad ng Central Luzon flood control project sa Region 3.
Aniya, pinigilan ito ng lokal na pamahalaan ng Calumpit, Paombong at Hagonoy kaya pansamantalang itinigil ang phase 2 ng proyekto.
