DOTr, tiniyak na may sapat na mga bus para sa mga bibyahe para sa Undas at BSKE

Tiniyak ng Department of Transportation na may sapat na mga bus para maserbisyuhan ang mga bibyahe para sa Undas at Barangay Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Kahapon mahigit isang daang libo na ang naitalang pasahero sa PITX.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nagsisimula na ring magkaubusan ng mga ticket sa mga aircon bus na papuntang Bicol.

Tiniyak naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na handa ang kanilang on the ground enforcers para mag isyu ng karagdagang permit sakaling magkulang na sa mga bus.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sinabi pa ng LTFRB na dinagdagan nila ang validity ng special permits ng mga bus mula Oktubre 20 hanggang Nobyembre 6 para mas maraming ma-accommodate na pashero upang hindi mapilitang sumumakay sa mga kulorum.